top of page

Patawad

  • Writer: Rai.xxii
    Rai.xxii
  • Jun 27, 2017
  • 1 min read

"Humihingi ako ng tawad" iyong ibinigkas. Kasabay ng pagpapahinto sa aking pag-alis. Marahang kinuha at ini-angat ang aking kanang kamay, ngunit ito ay pinilit na iwinaksi lamang.


Naaalala mo ba kung nasaan tayo noong panahong iyon? Mga tingin ng nakapaligid ay tila nagsasabing "Anong ginagawa niya?" "Ang sama naman niya". Bakit nga ba hindi mapatawad ang taong minsa'y nakapalagayan?


Pagkakataong magkaayos ay pansamantalang binalewala. Ang puso'y nasasaktan, humihingi ng kalayaan. Ang isipa'y walang panahon para mag-isip at umunawa. Kakailanganin ng oras at pagtitimpi upang samaka'y 'di tuluyang mawala.

Recent Posts

See All
PATAWAD

Patawad ako ay nanihimik, ang mga salitang hanggang labi lamang, mga payo na hindi inimimik, at salitang punong-puno ng anghang. Patawad...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

©2018 by RAI.xxii. Proudly created with Wix.com

bottom of page