PATAWAD
- Rai.xxii
- Sep 23, 2020
- 1 min read
Patawad ako ay nanihimik,
ang mga salitang hanggang labi lamang,
mga payo na hindi inimimik,
at salitang punong-puno ng anghang.
Patawad kung ako ay natakot.
Mga sitwasyon na hindi ko hinarap.
Madlas mukha ay nakalukot,
Napuno ng panandaliang sarap.
Patawad sa aking pagkukulang
- sa atensiyong dapat mong naranasan,
- sa pagmamahal na puro kulang,
- sa sandaling dapat mong naramdaman.
Patawad kung ako ay sumuko.
Hindi kinaya ng aking damdamin,
Hindi nagtiwala at natuto,
At kasalanan pa'y hindi inamin.
Patawad ako'y makasarili.
Nahirapang intindihin ang bagay,
at pati ang sarili'y sinisi.
Hindi inintindi and iyong lagay.
Patawad ako'y hindi dumalo.
Mga okasyong dapat ay nagsasaya.
Dahila'y nagmumukmok sa dulo,
- Walang kasayahan at pagpapala.
Namumulot ng kapipiranggot,
Ito'y dulot ng aking nakaraan.
Sayo at tawad ang aking sagot,
sa akong hinaharap ito'y laan.
Written March 9, 2020 (Monday)
11:57AM
Comentários