Kaibigan
- Rai.xxii
- Jul 25, 2015
- 1 min read
Katangi-tanging kaasalan ay tunay na hinahangaan. Hindi niya ako iniwan, kaya naman hindi iiwan.
Ako'y kanyang iniingatan sa kung anong kapahamakan. Siya'y aking aalagaan, upang patuloy ang samahan.
Ibahagi ang kaalaman, sa puntong nangangailangan. At sa oras ng kalungkutan, iparamdam ay kasiyahan.
Siya ay aking pagbubuksan sa panahon ng kagipitan. At walang pag-aalinlangan, maging bingit ng kamatayan.
Siya'y magiting na sandigan, nakaukit sa katangian. At ang aming pagmamahalan, ay bibigyan ng kabuluhan.
Karapat-dapat na handugan, gugulan at gantimpalaan. Kabutihan at katapatan, siya ay isang katibayan.
Sa kung anumang kararatnan, mamahalin magpakailanman.
Comments