Ang Aking Kaibigan
- Rai.xxii
- Sep 17, 2018
- 1 min read
Ako'y may isang kaibigan, hinahangaan kong totoo. Kaniyang ugali't katangian, aking lubos na naibigan.
Unang beses kaming nagkita, inakala ko'y suplado siya, ngunit nang aking makilala, ako'y nagkamali lang pala.
Mabait na anak sa bahay, maaasahang kaibigan, mapagmahal na kasintahan, at responsableng estudyante.
Maituturing na modelo, at ako ay sumasaludo. Malinis at mabuting puso, Huwag naman sanang magbago.
Comments